# @lrayvillafuerte on Instagram

- **Type:** Video
- **Original URL:** https://www.instagram.com/p/DRPatiDCE3d
- **Gondola URL:** https://gondola.cc/posts/61914309-lrayvillafuerte-instagram
- **Thumbnail:** https://img.gondola.cc/tr:w-,h-,fo-auto/postThumbnails/2d3f665985.jpg
- **Posted:** 2025-11-19T14:10:31.000+00:00

## Caption

Nung parating palang ang bagyong uwan , mabilis nag action and camsur EDMERO At PDRRMC na malikas , mabilis na evacuate ang mga residente sa mga high risk areas kaya #PraiseGOD nalayo ang ating mga kababayan sa  Lakas ng alon lalo na sa Garchitorena. 

Labing 4,300 na mga bahay ang totally and partially damaged sa bilog ng camsur . Ang bayan ng Garchitorena ay ang isa  sa mga severely damaged  brought about by typhoon UWAN , kaya naman mabilis kami nag action at nag  Padala agad kami ng mga food packs at relief sa mga island/ coastal barangays  via chopper . 

Sa Poblacion ng Garchitorena kung Saan na damage ang seawall na inamin ng DPWH na walang sheet pile ang constructed na seawall kaya naman na imbes and seawall ang mag protect sa mga Tao at mga bahay , una pa ito nagiba at nag dulot ng panganib dahil ang mga cemento at bato na Galing sa damaged na seawall mismo ang mga lumilipad at humahampas sa mga bahay made out of light materials .

Mabilis din nabigyan  ng php 10,000 cash assistance ang mga pamilya na totally damaged na maayos and lista . Binigyan ang deserving , walang pili , walang pulitika. Validated at tinama namin ang lista ng mga binigyan dahil ang lista na submitted nauna ay pili , pinulitika . Sa panahon ng Calamidad ay Dapat tigilan ng mayor at ng congressman ang pamumulitika sa Garchitorena. 

Nag bigay din ng mga kitchen / home cooking sets sa mga residente dahil nalipad ang kanilang mga gamit 

Nagpadala din kami ng mga gen sets , starlink internet , potable water generator trucks, medical vans and medical supplies para sa mga taga Garchitorena. 

Mag papadala din kami ng tulong sa Garchitorena central school ng mga printers dahil na damage mga gamit nila sa bagyo , mga laptops sa sunod na mga araw . We will also repair the covered court and other buildings 

Bibili din and LGU camsur ng lupa sa Garchitorena para gawin relocation site sa mga tao at pamilya naka tira sa shoreline na talagang delikado ang buhay tuwing Meron bagyo o kahit malakas lang ang ulan . 

Basta tayo nagtutulungan at nagkakaisa mas madali ang recovery at pag bangon!

Serbisyong Ka Fuerte✌️ #ToGodBeTheGlory always 🙏

## Stats

- **Views:** 262
- **Likes:** 45
- **Shares:** 0
- **Comments:** 0

## Tags

togodbetheglory, praisegod

---
Copyright (c) Gondola