BALIKTANAW | Bahay Kubo
Kasunod ng pagiging isang ganap na bayan ng Tagkawayan sa Lalawigan ng Tayabas(Quezon) ay itinalaga sina Arturo "Turing" Morato bilang alkalde, Pio B. Lagra, bilang Bise-alkade, at sina Francisco Morato, Julio Largado, Luis Batica, at Pacifico Laurel bilang mga konsehal na silang mamamahala sa bagong Bayan ng Tagkawayan.
Larawan ng mga kilalang tao na dumalo sa pagdaraos ng kauna-unahang Inagurasyon ng Tagkawayan sa harapan ng Bahay Kubo ng Pamilya Morato sa Sta. Cecilia, Tagkawayan Quezon noong ika-15 ng Enero taong 1941.
Kabilang sa mga dumalo sina: Kagalang-galang Manuel Roxas, Rafael Alunan, Tomas B. Morato, Quintin Paredes, Claro M. Recto, Benigno Aquino Sr., Francisco Lavides, M. Gallego, Judge Guillermo Eleazar, at ilan pang panauhin mula sa Maynila.
Written/Research by: Shojie Sasahara and Lorenze Dusto
Sa mga nagnanais pong magbahagi ng mga larawang may kinalaman sa kasaysayan at kwento ng Tagkawayan na maaring makatulong sa pagkamulat ng bawat isa...
Suggested Credits
Tags, Events, and Projects