“paano mo malalamang hindi ka na masasaktan ulit?” kapag sumagi sa isip ang tanong na ito, kasabay nitong dumarating ang mga anino ng takot at pag-aalinlangan… ngunit ang puso na minsang nadurog ay hindi na katulad ng dati pagkat hinubog na ito ng panahon at pinatibay ng mga unos na pinagdaanan. oo, maaari ka pa ring masaktan. sapagkat ang pagmamahal ay laging may kaakibat na panganib… ngunit hindi na iyon magiging kasing lalim ng sugat noon, dahil natuto ka nang saluhin ang sarili mong pagluha at yakapin ang sarili mong pagkukulang. dahil simula ngayon, alam mo nang hindi kailangang ubusin ang sarili upang mahalin ang iba. pagkat ang pusong marunong nang magmahal sa sarili ay hindi na basta-bastang nauupos sa apoy ng maling pag-ibig. #simulangayon #panahonep #angelaken #newmusic
Suggested Credits
Tags, Events, and Projects